Korean vessel, nasunog; 34 marino, sinaklolohan ng PCG

Share this information:

TINULUNGAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlumpu’t-apat na mga marino, kabilang ang 22 na Indonesian, 10 Koreano at dalawang Filipino matapos na masunog ang engine room ng isang Korean fishing vessel, ang FV No. 96 Oyang sa dagat ng Panagniban, Catanduanes.

Umalis ang nasabing fishing vessel sa Busan, South Korea patungo sa Montevideo, Uruguay para mangisda nang napuna nila ang makapal na usok na nagmumula sa engine room nito hanggang sa lumaki ang usok dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Martes.

Alas-3:00 ng madaling araw nang ideklara ng kapitan ng barko na i-abandona ang nasabing fishing boat at lumipat sa MV Golden Aspirant saka nagsagawa ng rescue operation ang PCG.

Pinakain ang mga ne-rescue saka naman isinagawa ang swab test pagdating nila sa Port of Cebu at nagsagawa rin ng baggage inspection at sanitation saka inilipat ang mga sinaklolohang marino sa isang quarantine facility.

Sa kasalukuyan, ang mga na-rescue ay mino-monitor ng kanilang kumpanya sa pakikipag-tulungan ng IATF-Region VII at South Korea Consulate na nakabase sa Cebu City.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

SBMA to release P123.1-M LGU revenue shares

Thu Jan 28 , 2021
SUBIC BAY FREEPORT — Staying true to its mandate of spurring development among the eight local government units (LGUs) near the Subic Bay Freeport, the Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) continues to provide revenue shares to neighboring communities despite the Covid-19 pandemic. SBMA Chairman and Administrator Wilma T. Eisma said […]

Follow Us

%d bloggers like this: