Konstruksyon sa OFWs Lounge sa Davao International Airport sinimulan na

SINIMULAN na ang konstruksyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs) Lounge sa Davao International Airport (DIA), kasunod ng isinagawang commencement ceremony noong  Disyembre 23, 2025.

Bahagi ng proyekto ay direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang mga pasilidad at serbisyong inilaan para sa mga OFWs, alinsunod sa mga naunang naitayong OFWs lounge sa NAIA Terminals 1 at 3.

Pinangunahan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pamumuno ni Secretary Hans Leo Cacdac ang aktibidad, katuwang ang Mindanao Development Authority (MinDA) na pinamumunuan ni Secretary Leo Tereso Magno, at ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Target ng DMW na matapos ang proyekto sa pagitan ng Mayo hanggang Hunyo 2026. 

Kapag natapos, magsisilbi itong ligtas, komportable, at maayos na pahingahan para sa mga OFWs na aalis o uuwi ng bansa.

Binigyang-diin ng ahensya na ang proyekto ay patunay na malasakit ng pamahalaan sa mga Bagong Bayani, at bahagi ng mas malawak na layunin na tiyaking may sapat at makataong serbisyo para sa mga manggagawang Pilipino lalo na sa mga pangunahing gateway tulad ng Mindanao.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.