Ken Chan, may “kilig” na mensahe sa ka-love team na si Rita Daniela sa birthday nito

HINDI pinalampas ng Kapuso actor na si Ken Chan ang kaarawan ng kaniyang ka-love team na si Rita Daniela.

Maaaring hindi ito kasama ng aktres sa kaniyang espesyal na kaarawan, subalit hindi naman nagpahuli ang aktor sa paghahandog na matatamis na salita para sa kanyang kapareha.

Sa isang Instagram post ni Ken, nag-uumapaw ang sweetness nila ng ka-love team
niyang si Rita dahil sa larawan kung saan magka-hawak kamay at nakayakap sa isa’t-isa ang dalawa.

Sa ilalim ng post ay ang nakakakilig na mensaheng pagbati ni Ken para sa kaarawan ng aktres.

You always take the time to care, to listen, and to understand. You really make a difference in the lives of those around you. And that is why on your birthday you’re wished the same in return, a world of happiness now and always.”

Sa huli, dagdag pa nito na hindi man niya kasama ang aktres sa araw ng selebrasyon ay iniisip naman niya ito.

I may not be by your side celebrating your special day. But I want you to know that I’m thinking of you and wishing you a wonderful birthday Choi! May God continue to bless your life and give you the desires of your heart.”

Sa mensaheng handog ng aktor para sa ka-love team ay mas lalo pang kinilig at inaabangan ng mga fans ang mga update tungkol sa tambalang “KenRita.”

(PHOTO CREDIT: gmanetwork.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.