Kaugaliang Filipino, ipapamalas ng bagong Philippine ambassador sa Vatican

Share this information:

TINIYAK ng bagong kinatawan ng Pilipinas sa Vatican na ipagpapatuloy ang mga programa na makakatulong sa mga Filipino at matapat na paglilingkod alinsunod sa panawagan ng Santo Papa na “respect humanity.”

Ito ang mensahe ni  Philippine Ambassador to the Holy See Myla Grace Macahilig nang pormal itong magsumite ng credentials sa Kanyang Kabanalan Papa Francisco.

Sa panayam ni Radio Veritas Vatican Correspondent Fr. Angelito Cortes, OFM, ikinagalak ng opisyal ang pagkatalaga sa kanya bilang kinatawan ng Pilipinas sa Vatican makalipas ang mahigit dalawang dekadang panunungkulan sa Department of Foreign Affairs.

As a new ambassador, I intend to build on the works that have been done and perhaps highlight all the more yung mga bagong issues that are coming,” pahayag ni Macahilig sa Radio Veritas.

Sinabi ni Macahilig na bukod sa paglilingkod sa mga Filipino migrants, magandang pagkakataon din ang paninilbihan nito lalo na sa pananampalatayang Katoliko.

Tiniyak ng opisyal ang pagpapamalas ng kaugalian ng mga Filipino sa paglilingkod sa embahada ng Pilipinas sa Vatican at pagiging katuwang na misyonero ng simbahan sa kanyang larangan.

“I hope we will be able to serve yung immediate community natin dito and to represent the Philippines and the Filipino people in the best way we can,” ani Macahilig.

 Nanawagan din ito ng  pagtutulungan upang higit na mapaglingkuran at matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino sa ibayong dagat.

Kailangan natin magtulungan in all things, we may not always see eye to eye 100-percent on all issues but definitely there are core values and core principles,” saad pa ni Macahilig.

Paiigtingin din ng opisyal ang ugnayan ng dalawang bansa lalo’t ipinagdiriwang nito ang ika – 70 anibersaryo ng diplomatic relations.

Noong Nobyembre 20 nang magsumite ng credentials si Macahilig kay Pope Francis kabilang na ang sculpture ni San Lorenzo Ruiz, ang unang Filipinong santo.

Bukod sa ilang opisyal na dumalo sa pagtitipon bilang pagsalubong sa bagong kinatawan ng Pilipinas sa Vatican dumalo rin si Cardinal Luis Antonio Cardinal Tagle, ang Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples.

(PHOTO CREDIT: cbcpnews.net)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dating tauhan ng MTPB sa Maynila, timbog sa pagbebenta ng sticker ng city hall at MTPB

Fri Dec 3 , 2021
HIHIMAS ng malamig na rehas ng kulungan ang isang dating tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa lungsod ng Maynila matapos mabuking ang kanyang modus na pagbebenta ng mga sticker ng Manila City Hall at ng MTPB. Kinilala ni Manila Police District (MPD) Station 3 commander P/Lt. Col. John Guiagui […]
%d bloggers like this: