Breaking News

Share this information:

KINUMPIRMA ng mismong Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang umano’y mga katiwalian sa dalawang ahensiyang binanggit ni Senador Manny Pacquiao ng mga tiwaling tanggapan ng gobyerno sa listahang inilabas nito.

Sinabi ni PACC chairman Greco Belgica sa Laging Handa briefing na mayroon na umano silang tinututukang 13 kasong pinaniniwalaang may elemento ng katiwalian.

Kabilang sa mga tanggapang kanilang ini-imbestigahan bunsod ng mga sumbong ng iregularidad ay ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

We are probing nine cases of corruption in DOH, and Health Secretary Francisco Duque III knows it. This is ongoing,” ani Belgica.

For DSWD, we are investigating four cases since we received 9,000 complaints over SAP,” dagdag pa ng pinuno ng PACC.

Gayunpaman, sinabi nitong medyo malabnaw ang mga akusasyon ni Pacquiao bagama’t nakahanda naman aniya siyang imbestigahan ito kung makapagbibigay pa ng mga mas detalyadong impormasyon ang nasabing senador.

Una nang inakusahan ni Pacquiao ang DWSD ng P10.4-bilyong katiwalian kaugnay ng Social Amelioration Program funds na ipinamahagi ng gobyerno sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng pandemya.

Kaugnay nito, mariing itinanggi ni DSWD Director Irene Dumlao ang mga paratang ni Pacquiao, kasabay ng hamon na maglabas ng konkretong ebidensiya.

Gusto nating makita yung datos na basehan ni Senator Manny Pacquiao sa nabanggit na bilang ng mga benepisaryo [ng SAP] ng nakakuha ng ayuda,” ani Dumlao sa isang panayam sa telebisyon.

Samantala, tiniyak naman ni Belgica na sila’y patuloy na nakikiupag-ugnayan sa tanggapan ni Senador Pacquiao sa hangad na mabigyang linaw ang kanyang mga paratang.

Whether it is Senator Pacquiao or an ordinary citizen, we treat the complaints just the same,” giit pa ni Belgica. Itinanggi din niyang mas lumala ang katiwalian sa ilalim ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

What doubled is our effort to fight corruption,” pagtatapos pa niya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: