Kasong administratibo para sa pulis na namaril at pumatay sa mag-ina sa Tarlac, inihahanda na ng PNP

MALIBAN sa kasong kriminal, mahaharap din sa kasong administratibo ang pulis na walang awang bumaril at pumatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac kahapon.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, sinimulan na ng Crime Laboratory ang kanilang imbestigasyon para sa ikasisibak sa serbisyo ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca na naka-assign sa Parañaque City Crime Laboratory.

Sa ngayon anya, naka-automatic leave na ang pulis.

Tiniyak naman din na magiging patas ang imbestigasyon at tinututukan itong maigi ng Tarlac Police.

Sumuko sa Rosales, Pangasinan police si Nuezca nitong Linggo ng gabi at agad na dinala sa Panique Police station.

Sa kanyang pagsuko, isinuko rin ng pulis ang kanyang armas na Beretta 9 mm na ginamit sa pamamaril sa mga biktima na sina Sonya Gregorio, 52 taong gulang at Frank Anthony Gregorio, 25 taong gulang.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, awayan sa lupa ang dahilan ng krimen.

Double murder ang kinakaharap ngayon ng suspek. Samantala, sa hiwalay naman na panayam kay Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa, Paniqui, Tarlac chief of police, sinabi nito na sasaillim na sa inquest proceedings sa Tarlac City Prosecutors Office ang pulis.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.