CHR papasok na rin sa kaso ng pulis na pumatay sa mag-ina sa Tarlac

Iimbestigahan na rin ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamamaril at pagpatay ng isang pulis-Paranaque sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Sa kumalat na viral video, kitang kita kung paano binaril ni Police Master Sgt. Junel Nuezca ang mag inang sina Sonia at Frank Gregorio.

Sinasabing nag ugat ang away ng dalawang kampo dahil sa pagpaputok ng “homemade shotgun” mula sa kampo ng pamilya Gregorio na nadagdagan pa ng girian sa right of way.

Ayon kay CHR Spokesman Jacqueline Ann de Guia, mariin nilang kinokondena ang insidente.

“It is unacceptable when they are the ones being at the forefront of perpetuating such human rights violations. This incident reechoes our call to the government urging for the conduct of widespread investigations on every allegation of arbitrary killing” ani de Guia.

Umapela rin si de Guia sa mga netizens na tigilan ang pagpost ng larawan ng anak ni Nuezca dahil magdudulot ito ng trauma sa bata.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.