Breaking News

Share this information:

Nasa 1,783 pang bagong kaso ang nadagdag sa bilang ng mga kumpirmadong may COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Sa kabuuan umabot na sa  507,717 ang tinatamaan ng sakit  habang nasa  30,126 na ang aktibong kaso kung saan kasalukuyang mga nagpapagaling sa mga treatment facility at ospital sa bansa.

Nakapagtala naman ng 500 recoveries kaya umabot na sa 467,475 ang kabuuang gumagaling sa sakit.

Nasa 74 naman ang bagong naitalang mga pumanaw sa sakit sanhi para sumampa na sa 10,116  ang namamatay sa COVID-19 sa Pilipinas.

Sa mga lugar na nakapagtala ng mataas na kaso ng sakit ngayong araw ay ang Quezon City  ang nanguna na mayroong 99; Rizal, 83; Manila, 78; Bulacan, 69 at Cavite, 66.

Sa gitna ng kaliwa’t-kanang balita ukol sa bakuna, sinabi ng Department  of Health na  ating responsibilidad ang  pagbabahagi ng wastong impormasyon  at wastong pagsunod sa health protocol upang malabanan ang COVID-19. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: