NAKAPAGTALA pa ng karagdagang 279 na kaso ng Delta (B.1.617.2) variant sa bansa, ayon ito sa University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC)
Dahil dito mayroon nang kabuuang bilang na 2,068 na mga kaso ng Delta variant sa bansa.
Mula sa 279 na karagdagang Delta variant case, 245 ay local cases, 21 ang Returning Overseas Filipinos (ROF), at 13 kaso ang biniberipika pa.
Sa 245 local cases, 17 ang may address sa Ilocos Region, habang 17 kaso ang naka-address sa Cagayan Valley, 24 sa Central Luzon, 35 sa CALABARZON, Siyam sa MIMAROPA, 19 sa Bicol Region, Tatlo sa Western Visayas, Lima sa Central Visayas, 14 sa Eastern Visayas, Isang kaso sa Zamboanga Peninsula, 22 sa Northern Mindanao,10 sa Davao Region, Limang kaso sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, 13 sa Cordillera Administrative Region, at 51 kaso sa National Capital Region.
Mayroon ding nadagdag na 29 na kaso ng Alpha (B.1.1.7) variant, 28 kaso ng Beta (B.1.351) variant, at 13 P.3 ang nadetect sa huling batch of whole genome sequencing mula sa kabuuang 367 samples na isinumite ng 60 laboratories, collecting institutions, at iba’t-ibang Regional Epidemiology and Surveillance Units (RESU).
Ang kabuuan ngayon ng kaso ng Alpha variant sa bansa ay 2,424. Nasa kabuuang 2,697 naman ang Beta variant.

