Breaking News

Share this information:

INIULAT ng Department of Health (DOH) na may natukoy pang karagdagang mga kaso ng mga variants sa bansa batay sa genome sequencing ng Philippine Genome Center (PGC).

Ayon sa DOH, nadagdagan ng 187 kaso ang Alpha variant;142 ang Beta variant, 12  sa Delta variant at 12 naman ang natukoy para sa P.3 variant.

Ang mga natukoy na karagdagang  variant ay mula sa  pinakahuling batch ng samples na na-sequence ng UP- PCG.

Sa ngayon, nakapag-sequence na ng kabuuang 8,930 samples ang UP-PGC.

Pinaalalahanan naman ng DOH ang publiko na habang patuloy na  pinalalakas ng gobyerno ang healthcare capacity, ang  minimum public health standards at pagpapabakuna pa rin ang mainam na depensa o panlaban sa anumang variant ng COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: