Kampanya hinggil sa ligtas-pasada sa kalsada, pinaigting ng LTFRB

Share this information:

PINAIGTING ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kampanya nito para sa ligtas na pamamasada ng mga tsuper sa gitna ng paggunita sa Road Safety Month ngayong Mayo.

Sa isang “Ligtas-Pasada sa Kalsada” field operation, pinangunahan ng mga miyembro ng Office of the Chairman at Communications Team ng LTFRB ang pamamahagi ng mahigit 500 bote ng tubig at flyers sa mga tsuper at konduktor ng mga pampublikong sasakyan na dumaraan sa kahabaan ng Elliptical Road sa lungsod ng Quezon.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, layon ng aktibidad na bigyang-diin ang kahalagahan ng impormasyon sa maingat na paggamit ng lansangan upang mabawasan ang mga aksidente.

We have emphasized time and again the value of road safety in the land transportation sector, more so in our public transport system, whatever the time or season. Napakahalaga po na manatiling ligtas ang ating mga pasahero at drayber ng mga sasakyan, pribado man ito o pampubliko,” paliwanag ni Chairman Guadiz.

The activity we did today was just a simple effort to remind our public drivers about their primary responsibility to keep not just their passengers but also pedestrians safe. Road safety should, after all, not just be a simple phrase but a mindset,” dagdag pa ni Chairman Guadiz.

Kabilang sa mga binigyang-diin ng ahensya ang paalala na dumistansya sa mga kasunod na sasakyan, ugaliing tumingin sa side mirror, kontrolin ang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan, at iwasan ang paggamit ng anumang electronic device habang bumibiyahe.

Nagpaalala rin ang LTFRB na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang sasakyan at ang tsuper nito kasabay ng pagsuot ng safety gears at ng palagiang pagsunod sa mga batas-trapiko.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.