Kalansay ng tao, natagpuan sa masukal na lugar sa Batangas

Share this information:

BATANGAS–Kalansay ng tao ang bumulaga sa isang magsasaka, na natagpuan nito sa damuhang bahagi ng isang subdivision kahapon sa Sto. Tomas City, Batangas.

Sinabi ni Sto. Tomas City Police Station Chief Lt. Col. Armie Agbuya na ipinagbigay-alam ito sa pulisya ng isang nagngangalang Jose Malaiba Sarmiento, 65 anyos, at residente ng Brgy. San Rafael ng nasabing lungsod .

Ayon sa salaysay ni Sarmiento sa pulisya, nagtatabas ito ng damo sa Mt. Claire Subdivison sa Brgy. Anastacia nang makita nito ang kalansay ng tao sa isang hukay sa masukal na damuhan.

Sa di kalayuan, nakita din aniya ang isang damit na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng nakalibing na buto.

Agad ipinagbigay–alam ni Sarmiento sa pulisya ang nakita, na agad namang pinuntahan hukay kung saan naroon ang nasabing buto ng tao.

Base sa imbestigasyon, pinaniniwalaang sinalvage ito at saka itinapon sa hukay ng madamong lugar na may tatlo hanggang apat na taon na ang nakalipas.

Dinala na ang mga buto at damit ng biktima sa Crime Laboratory ng Police Regional Office 4-A upang siyasating mabuti.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Governor Garcia shares Bataan's best practices in fight vs COVID-19

Wed Jan 13 , 2021
BALANGA CITY — Bataan Governor Albert Raymond Garcia shared the province’s best practices in the fight against COVID-19 as Bataan during the virtual celebration of the province’s 264th founding anniversary last Monday, January 11. Governor Garcia said these include the Kusina sa Barangay, distribution of 25 kilograms of rice to […]

Follow Us

%d bloggers like this: