Breaking News

Share this information:

PANSAMANTALANG naka-shutdown ngayon ang isa sa mga sangay ng Jollibee Foods Corporation sa Bonifacio Global City makaraang makabili ng fried chicken ang isang kustomer na hindi manok kundi bimpo ang naiprito.

Tatlong araw na hindi muna magbubukas ang Bonifacio-Stop Over branch simulan kahapon upang imbestigahan at nang hindi na maulit ang insidente.

Naging viral ang larawan at video ng Angelique Perez patungkol sa natanggap na order mula sa Jollibee. Matapos umanong matanggap nito ang inorder na fried chicken with palabok pero kahit na mukhang piniritong chicken sa unang tingin ay nakumpirmang tuwalya nang suriin ito.

“Ordered chicken for my son, while I was trying to get him a bite, I found it super hard to even slice. Tried opening it up with my hands and to my surprise a deep fried towel,” ayon kay Perez.

“This is really disturbing… How the hell do you get the towel in the batter and even fry it,” dagdag pa nito.

Sa tulong ng delivery rider ay nakausap ni Perez ang manager ng branch patungkol sa insidente, pinalitan lamang ng fried chicken at palabok at nangakong iimbestigahan ang nangyari.

Sa isang pahayag, sinabi naman ng Jollibee na magpapalabas na rin sila ng paalala sa lahat ng store nito na mahigpit na sumunod sa pinaiiral na food preparation system.

“It is unfortunate that deviations from Jollibee’s standard food preparation procedures occurred on the part of certain personnel of the store,” ayon sa Jollibee.

Samantala, sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, inatasan na niya ang Consumer Protection Group na magsiyasat sa nangyari. Maaari aniyang magreklamo sa DTI o sa LGU Health Office ang kustomer.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: