Joint Board of Inquiry sa PDEA vs PNP “misencounter;” 2 pulis, 1 PDEA agent, patay

Share this information:

ISANG “Joint Board of Inquiry” ang bubuuin ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para imbestigahan ang naganap na “misencounter” sa pagitan ng kanilang mga tauhan sa labas ng Ever Gotesco mall sa Commonwealth Avenue, Quezon City bandang 5:45 ng hapon araw ng Miyerkules, Pebrero 24, 2021.

Layon nito na malaman ang katotohanan sa likod ng insidente at tukuyin ang dapat managot.

Itinalaga ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) bilang lead investigating body sa insidente.

Inatasan din ni Sinas si NCRPO Director Police Major Gen. Vicente Danao na magsilbing opisyal na tagapagsalita patungkol sa imbestigasyon ng PNP sa insidente.

Kapwa tiniyak ng PNP at PDEA na bagamat seryoso ang insidente, hindi ito makakaapekto sa patuloy na magandang relasyon at ugnayan ng dalawang ahensya sa kampanya kontra droga.

Sa huling tala ng magkabilang panig, tatlo ang namatay kabilang ang dalawang pulis na nakatalaga sa District Special Operations Unit (DSOU) ng Quezon City Police District, habang pumanaw naman ang isa sa dalawang pdea agent na kritikal sa kalagitnaan ng paggagamot sa kanya sa ospital.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DOJ insists government drug war is effective

Thu Feb 25 , 2021
THE government reiterated the need to sustain its drug war, which it described as an essential proof that the justice system in the Philippines is working. In a Palace statement, presidential spokesperson Harry Roque said that the message conveyed by Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra before the United […]

Follow Us

%d bloggers like this: