Breaking News

Share this information:

PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Ports Authority (PPA) dahil sa pagpapagawa ng infinity pool na may jacuzzi na nagkakahalagang P6.58 milyon sa training center compound (TCC) nito sa La Union.

Sa 2020 audit report, tinukoy ng COA na aabot sa P10.84 bilyon ang kabuuang pondo na ibinuhos sa infinity pool project dahil mayruon din itong guest room na ginastusan umano ng P3.43-milyon, bukod pa sa itinayong pergola at decorative rock wall.

Ayon sa COA, ikinatwiran umano ng PPA na ang ginawang pagpapaganda ay sa layong makahikayat ng mas maraming bisita at madagdagan ang kinikita ng training center.

Gayunman, ipinunto ng COA na nalulugi na ang PPA sa operasyon ng training center compound at walang hiwalay na monitoring ng financial performance nito.

Sinabi pa ng COA na ang infinity pool, pergola, at rock wall ay mas nababagay sa layuning turismo at recreational na malinaw na hindi sakop ng PPA at ang karagdagang guest room na ipinagawa ay hindi na kinakailangan dahil marami nang mga silid sa training center.

Ipinunto pa ng COA na ang training center compound ay malabo na ring regular at maayos na mamintina dahil ang Port Management Office sa Northern Luzon (PMO-NL) ay ililipat na ng Ilocos Norte sa susunod na taon.

Wala rin umanong hawak ang PPA na patunay ng pagmamay-ari ng lupa kung saan nakatayo ang training center at nalagay din sa alanganin ang kaligtasan ng lugar, mga tauhan at bisita ruon dahil sa pagiging bukas o open area ng infinity pool.

“The above construction is considered unnecessary per COA Circular No. 2012- 003, thereby resulting in improper/wasteful spending of public funds, hence disallowable in audit,” ayon sa COA.

Kaugnay nito, inirerekomenda ng PPA na papanagutin ang mga opisyal nitong nag-apruba ng proyekto dahil sa paggastos nang hindi naman kinakailangan.

Hindi rin tinanggap ng COA ang depensa ng PPA na ginawa ang proyekto upang maiwasang gumastos pa ng malaki ang ahensya sa pagdaraos ng mga pulong, training session at kumperensya sa mga mamahaling hotel.

“If the PPA’s justifications were to be accepted, then all government agencies, especially corporations, would be allowed to put up facilities and amenities as long as their budget permits, even if the uses or purposes of said projects are not within their mandates,” ayon sa COA.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: