TINATAYANG umabot sa halos 1.6 milyon katao ang dumalo at nakilahok sa idinaos na “Nationwide Peace Rally” ng Iglesia ni Cristo sa Quirino Grandstand nitong Enero 13.
Naobserbahan din ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa paligid ng Maynila partikular sa Quiapo at kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang Navotas City dahil sa mga nakaparadang mga sasakyan na service ng mga nakiisa sa aktibidad.
Dahil sa inasahan ang pagdagsa ng maraming tao, ang Manila Police District (MPD) ay nagtalaga ng mahigit 500 police personnel sa Quirino Grandstand para tiyaking maayos at payapa ang aktibidad.
Nagdeploy naman ang Manila Police District (MPD) ng mahigit 500 personnel Quirino Grandstand at iba pang lugar upang mapanatili na maayos ay payapa ang aktibidad ng INC.
Sinasabing ang aktibidad ay bilang pagpapakita ng suporta laban sa pagsisikap na alisin sa gobyerno at i-impeach si Vice President Sara Duterte.
Linggo pa lamang ng hapon ay may mga nagtungo na sa Quirino Grandstand, partikular sa Rizal Park, upang magpalipas ng gabi para sa gagawing aktibidad nitong Lunes.
Nagmula pa sa iba’t-ibang lugar ang mga kasapi ng INC na nagtungo sa lugar upang makiisa sa pambansang pagkilos na ito.

