LILIMITAHAN na ang mga international inbound passenger capacity sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa inilabas na abiso ng Civil Aeronautic Board (CAB), ibababa sa 1500 ang mga pasahero kada araw simula sa Marso 18 hanggang Abril 18, 2021.
Papatawan naman ng penalty ang anumang airline company na hindi susunod sa naturang kautusan. Inaabisuhan din ang mga airline company na sumunod sa direktiba ng Bureau of Immigration (BI) na tanging mga essential inbound traveler lang ang papayagang makapasok sa Pilipinas.