Impormasyon ng mga miyembro, siniguradong ligtas ng PhilHealth kasunod ng insidente ng “hacking”

Share this information:

SINIGURADO ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na ligtas ang lahat ng impormasyong medikal at pagkaka-kilanlan ng mga miyembro nito kasunod ang insidente ng hacking sa computer systems at website ng ahensiya noong umaga ng nakaraang linggo.

PhilHealth’s management assures the public that the incident is under control and that no
personal information and medical information has been compromised or leaked
,” ayon kay PhilHealth President and Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr. sa inilabas na opisyal na pahayag ng ahensiya.

Access to all systems including the website, HCI and Member Portal, and e-Claims were disabled or unplugged immediately as part of the information security containment measures being implemented by PhilHealth,” dagdag pa ni Ledesma.

Kasalukuyang nang nakikipag-ugnayan ang PhilHealth sa Department of Information and Communication Technology (DICT), National Privacy Commission (NPC), Cybercrime Units ng National Bureau of
Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP) para sa isinasagawang forensic investigation sa insidente ng hacking.

Ang pagkaka-hack sa computer systems ng PhilHealth ay itinuturong kagagawan ng Medusa Ransomware group. Gamit ang ransomware ay nanghihingi ng US$ 300,000 na bayad ang grupo kapalit ang nakuha nitong kopya ng mga confidential data ng PhilHealth at sa pagbalik ng kaayusan ng computer systems at website portal nito.

Kasalukuyang inaayos ng PhilHealth ang lahat ng apektadong computer systems ng ahensiya at sinisikap nilang maibalik ang mga ito ngayong Lunes, September 25, 2023.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.