Ilang Pinoy na crew ng isang barko na inatake ng mga rebeldeng Yemeni, nawawala — DMW

INIULAT ng Department of Migrant Workers (DMW) na isang Pilipino crew member ng MV Tutor na inatake ng mga rebelde na Yemen Houthi habang binabaybay ang Southern Red Sea at Gulf of Aden noong Miyerkules ang nawawala.

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na nawasak ang ilang bahagi ng Greek-owned bulk carrier na mayroon ding 22 crew na mga Pilipino, pati na ang engine room, dahil sa pag-atake.

Right now, we are still in the process of trying to ascertain. We’re trying to account for the particular seafarer in the ship and are praying that we could find him,” sabi ng opisyal.

Rest assured that all of the next of kin of the seafarers have been contacted,” dagdag pa ni Cacdac.

Sinabi ni Cacdac na ang ibang seafarers on board ay ligtas at na-tsek na sila sa pamamagitan ng video call.

Everybody from the MV Tutor is safe and sound. I saw them personally on the video. Everybody is fine, at least from the video, and they are safe onboard the ship. And having said that, rescue must be undertaken,” ayon sa opisyal.

Sinabi ni Cacdac na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs, manning agency at ship owner.

The rescue is forthcoming within the day. I cannot disclose any details with respect to the rescue for security reasons,” dagdag pa ni Cacdac.

Ang Gulp of Aden, kabilang ang Red Sea, ay kasama sa pinalawak na lugar na may mataas na peligro, upang magbigay ng mas mahusay na proteksyon sa mga marino, kabilang ang mga Pilipino, kasunod ng ilang pag-atake ng mga rebeldeng Houthi.

Sa unang bahagi ng taong ito, ang DMW ay naglabas ng isang advisory patungkol sa mga “warlike and high-risk areas” kung saan ang mga Filipino seafarers ay kailangang bigyan ng karapatang tumanggi sa paglalayag na may repatriation at compensation.

Sa pinakahuling pag-atake, sinabi ni Cacdac na “ipinaalam sa kanila na hindi ginamit ng mga marino ang kanilang karapatang tumanggi sa paglalayag at pumayag silang sumali sa paglalayag.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.