MAWAWALAN ng suplay ng tubig ang ilang lugar na siniserbisyuhan ng Maynilad Water Services, Incorporated simula ngayong araw hanggang sa Lunes.
Sa abiso ng Maynilad, ang water interruption ay dahil sa isasagawang maintenance sa La Mesa Treatment Plant 2 na magreresulta ng mahinang water production.
Ayon sa Maynilad, kinailangang bigyan-daan ang urgent maintenance works na ipinagpaliban dahil sa epekto ng bagyong Ulysses sa kanilang operasyon.
Kabilang sa mga lugar na apektado ay ang mga kustomer sa Caloocan, Valenzuela, Quezon City, Meycauayan at Obando.
Inaabisuhan ang mga apektadong lugar na mag-ipon ng tubig kapag mayruong suplay.