Ilang kumpanya ng langis magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo

Share this information:

MAGBABAWAS ng sampu hanggang labing-limang sentimo kada litro sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula bukas.

Sa abisong ipinalabas ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., labing-limang sentimo kada litro ang tapyas sa kanilang gasolina, sampung sentimo sa kada litro ng diesel at sampung sentimo sa kada litro ng kerosene.

Ang Cleanfuel at Petro Gazz ay magpapatupad ng katulad na paggalaw sa presyo ng langis at diesel pero walang pagbabago sa halaga ng kanilang kerosene.

Epektibo bukas ng alas-sais ng umaga ang rolbak ng Shell, Seaoil at Petro Gazz habang ang Cleanfuel ay alas-otso uno ng umaga ang implementasyon ng bawas-presyo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Clark agency to buy vaccines for employees

Mon Jan 25 , 2021
CLARK FREEPORT—The Clark International Airport Corp. has allotted P400,000.00 as funds from the agency’s 2021 budget for the procurement and purchase of COVID-19 vaccines for its workers. “In a national scale, the inoculation process is a Herculean task, and so we hope this modest initiative of CIAC helps the government […]

Follow Us

%d bloggers like this: