Ika-84 Malasakit Center, binuksan sa Zambales

Pinangunahan nina Zambales Governor Hermogenes Ebdane at Vice Governor Jay Khonghun ang pagpapasinaya sa kauna-unahang Malasakit Center sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital (PRMMH) sa Iba, Zambales at ika 84 na Malasakit Center na naitatag sa bansa. Layon ng health program na proyekto ni Senator Christopher “Bong” Go na masilbihan ang mamamayan sa nabanggit na probinsya ng medical assistance partikular ang mga mahihirap. Kasama din sina Dr. Noel Bueno ng Provincial Health Office at representante mula sa Office of Senator Christopher “Bong” Go.

#BISErbisyoSaBarangay

#BatangZambales

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.