IED sumabog sa Maguindanao, 1 patay, 1 pa sugatan

Share this information:

PATAY ang isang motorista habang sugatan naman ang isa niyang kasamahan sa naganap na pagsabog ng isang Improvised Explosive Device (IED) sa Barangay Romongaob, South Upi, Maguindanao.

Base sa impormasyon na nakalap mula kay Police Col. Donald Madamba, Provincial Director ng Maguindanao, nangyari ang pagsabog dakong alas 6 ng umaga ng Martes, Enero, 26, 2021.

Posible umanong itinanim ng hindi pa batid na terror group ang IED sa bahagi ng National Highway sa nabanggit na Barangay kung saan kasabay ng pagdaan ng motorsiklo ang pagsambulat ng bomba.

Naisugod pa sa ospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival ang isa sa kanila na kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan nito habang patuloy naman na inoobserbahan sa ospital ang nasugatan. Tinutukoy na ng pulisya at militar ang ilang personalidad sa likod ng insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Lifting of restrictive economic provisions to “unleash” PH economic potentials – DTI

Tue Jan 26 , 2021
THE Department of Trade and Industry (DTI) on Tuesday said they welcomed efforts to remove the economic restrictions in the Constitution, stressing the move will help unleash the economic potential of the Philippines, the second fastest growing economy in Southeast Asia. At the continuation of public hearing of the House […]

Follow Us

%d bloggers like this: