Ibinebentang COVID-19 vaccine, hindi galing sa Manila Health Department

NILINAW ni Manila Mayor Francisco Domagoso na ang mga bakuna na ibinibenta ng naarestong nurse ng district hospital ng Maynila na Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ay hindi galing o suplay ng Manila Health Department (MHD).

Sa pahayag ng alkalde, mahigpit na pinangangasiwaan at kontrolado ng LGU ang mga COVID-19 vaccines.

Hindi galing sa Manila LGU ang mga ibinebenta na bakuna.’ ayon kay Domagoso.

Kasabay nito, ipinag-utos na ng alkalde kay GABMMC Director Dr. Ted Martin na magsagawa ng administrative proceedings at maghain ng karampatang reklamo laban kay Alexis Francisco De Guzman, Nurse III ng GABMMC.

Ayon pa sa alkalde, ang hindi awtorisado at labag sa batas na pagbebenta ng  COVID-19 vaccines ay hindi dapat kinukunsinti.

 “Harapin niya ang kanyang kaso sa husgado,” ayon pa kay Domagoso.

Ang pahayag ng alkalde ay kasunod ng ulat na naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation  ang isang nurse ng naturang ospital kahapon sa Quezon City dahil sa pagbebenta ng Sinovac.

Sa panig naman ng GABMMC, sinabi ng pamunuan ng nito na ang ginawa ni De Guzman ay nagdala sa pangalan ng institusyon sa hindi magandang imahe.

Ayon pa sa pamunuan, handa itong makipagtulungan  sa isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa naturang usapin.

This hospital has always complied with the rules and regulations set forth by the City Government of Manila and the National Government, especially in the handling, administering and monitoring of COVID-19 vaccines.” bahagi ng inilabas na pahayag ng GABMMC management.

Dagdag pa ng GABMMC, ang kanilang vaccination team ay binubuo ng mga dedicated medical at  administrative personnel na sinisigurong ang lahat ng dose ng bakuna sa COVID-19 ay bilang (accounted).

Si De Guzman din umano ay hindi bahagi ng vaccination team at hindi kasama sa mga humahawak sa mga bakuna.

He has never transacted with this hospital’s Pharmacy Section regarding the transport or custody of vaccines,” ayon pa sa GABMMC.

We, the employees and staff of Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center are one with the Honorable Mayor that such unlawful acts of Mr. De Guzman has no place in the City of Manila and this institution,” dagdag pa ng pamunuan ng ospital.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.