KINAKAILANGAN ang pagtutulungan ng Bureau of Immigration (BI) at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) pagdating sa isyu ng human trafficking.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, kinakailangan ng pagtutulungan ng dalawang sangay upang masawata ang pang-aabuso ng human trafficking.
“This problem is both severe and complex,” ayon kay Tansingco. “Hence there is a need for collaborative efforts between law enforcement agencies, non-governmental organizations, intelligence units, and the private sector,” dagdag pa nito
Ayon sa Interpol, ang modus operandi ng human trafficking ay nagbago na mula sa regional crime phenomenon hanggang sa humantong na sa pagiging isang global threat.
Ang mga biktima ay nae-engganyo sa mga job advertisement sa online at sa huli ay nai-scam hanggang sa nauuwi sa criminal activities.
Dahil dito ang mga biktima ng trafficking ay humahantong sa forced labor, extortion, physical at sexual exploitation, at maging sa organ harvesting.
Ayon sa BI, naalarma na sila sa bagong modus operandi ng human trafficking kung saan mga kabataang professional na ang nae-engganyo.

