House panel, ipinasa na ang panukalang tax exemption sa mga senior citizen

Share this information:

UMUSAD na sa Mababang Kapulungan ng Kamara ang panukalang huwag na pagbayarin ng buwis ang mga senior citizen  na nagtatrabaho pa rin sa pribado o pang-publiko na sektor.

Nitong Martes, ika-21 ng Setyembre pumasa sa House Committee on Senior Citizens ang House Bill No. 8832 or the “Income Tax Exemption for Senior Citizens Act” na kung saan ay nagbigay ng kaunting pagbabago sa National Internal Revenue Code of 1977.

Ayon kay Senior Citizens Party -list Representative Rodolfo Ordanes, karamihan sa mga senior citizen ay hindi na kayang kumayod pa para sa kanilang kinabukasan at wala pang sapat na ipon para sa kanilang retirement.

Dagdag pa nito ay hindi mapapanatag ang mga senior citizen sa panahon ng
kanilang retirement sa kakulangan ng income at kasabay ng pagtaas ng pangangailangan para sa mga senior. 

Sa ngayon ay kailangan pang makapasa ang nasabing panukala sa House Committee on Ways and Means bago ito mailipat sa plenary para sa debate at diskusyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.