Hospital bed utilization sa NCR, patuloy ang pagbaba

PATULOY ang pagbaba ng utilization rate ng mga ospital sa National Capital Region (NCR).

Ito ang pahayag ni Department of Health (DOH) Usec. at spokesperson Maria Rosario Vergeire sa online briefing kanina.

Ayon kay Vergeire, lahat ng lungsod sa NCR ay bumaba na sa 70 percent ang utilization rate maliban sa Muntinlupa.

Dagdag pa nya, ngayong Oktubre 24, unti-unti nang lumuluwag ang mga kama sa mga ospital sa NCR na ngayon ay may 6,709 na ang mga bakante.

Samantala, sinabi ni Vergeire na moderate risk pa tin ang ICU beds sa NCR.

Pagdating naman sa mga komento na hindi pa ramdam ang unti-unting pagluwag ng mga ospital, sinabi ni Vergeire na nauunawaan nila ang mga naturang komento pero may mga tao sila sa ground at nakikita nila na bumaba na talaga ang mga admission o mga nako-confine sa mga ospital.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.