Holdaper, kinuyog ng taumbayan sa Malabon

Share this information:

MAKUKULONG na nga, nakatanggap pa ng bugbog ang isang umano’y notoryus na holdaper nang kinuyog ito ng taumbayan makaraang holdapin ang isang sales lady sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon police deputy chief PLt. Col. Rhoderick Juan ang naarestong suspek na si Bryan Jame Eusebio, 33 anyos, ng 101 N. Vicencio St., Brgy. Niugan.

Ayon kay Malabon Police Sub-Station 7 (SS7) head PMaj. Patrick Alvarado, habang nasa kanyang binabantayan tindahan na Margaux Footwear sa No. 315 General Luna St., Brgy. Baritan ang sales lady na si Samanta Santos, 18 anyos, dakong alas-5 ng hapon nang lumapit ang suspek at tinutukan siya ng baril sabay nagdeklara ng holdap.

Sa pangamba sa kanyang kaligtasan, hindi na pumalag ang biktima nang sapilitang kinuha ng suspek ang kanyang cellphone na nasa P7,000 ang halaga bago mabilis itong tumakas.

Gayunman, hinabol ang suspek ng mga bystander at nang makorner ay pinagtulungan siyang bugbugin hanggang sa dumating ang rumespondeng mga tauhan ng SS7 at mga barangay tanod.

Nadakip ang suspek at narekober sa kanya ang cellphone ng biktima at ang isang Toy Gun na ginamit niya sa panghoholdap sa dalaga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.