High-grade kush marijuana, nasamsam ng BOC sa Clark

Share this information:

NASAMSAM ng Bureau of Customs – Port of Clark ang 15 pakete ng high-grade kush marijuana na tinatayang nagkaka-halaga ng P675,000.

Una rito, ang kontrabando na idineklarang “Quilt” mula Washington, USA at sumailalim sa profiling at x-ray, ay nagpakita ng mga larawan ng posibleng pagkakaroon ng ilegal na droga.

Ang subject shipment ay isinailalim din sa K-9 sweeping na nagbigay din ng mga positibong indikasyon.

Pagkatapos noon, isinagawa ang pisikal na pagsusuri na nagresulta sa pagkakatuklas sa15 pakete ng hinihinalang Kush Marijuana na nakatago sa loob ng hand-made quilt.

Pagkatapos nito, isinagawa ang controlled delivery operation kahapon ng magkasanib na mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF), Enforcement and Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS) sa address ng consignee sa Malate, Maynila na nagresulta sa pagka-aresto sa claimant.

Itinurn-over na sa PDEA ang subject na ilegal na droga para sa kaukulang disposisyon at isasailalim sa inquest proceedings ang claimant.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PRO3 opens two new police stations in Bataan

Tue Dec 14 , 2021
POLICE Brigadier General Matthew Perlas Baccay, Regional Director of the Philippine National Police (PNP) Police Regional Office 3 (PRO3), along with Police Colonel Joel Tampis, Bataan PNP Provincial Director, recently led the blessing and inauguration of the municipal police stations in Orion and Orani, Bataan. Orion Police Chief, Police Major […]
%d bloggers like this: