PATAY ang hepe ng pulisya sa isang bayan sa lalawigan ng Batangas matapos sumalpok ang sasakyan nito sa isang truck sa diversion road sa Taal, Batangas.
Kinilala ang nasawi na si PMaj. Amiel Bernardo Sanhi, Jr., hepe ng Lian Police Station, na nakasakay sa kanyang SUV nang bumangga ito sa isang 10-wheeler truck.
Ayon kay Police Major Mae Ann Torres, spokesperson ng Calabarzon Police, naganap ang isidente kaninang alas 12:50 ng madaling araw.
Base sa imbestigasyon, minamaneho ni Sanhi ang kanyang SUV sa Brgy. Tulo nang bumangga ito sa truck na minamaneho naman ni Salvador Segfred.
Nagtamo ng multiple injuries sa katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.
Nasa kustodiya naman ng mga pulis ang driver ng truck para sa imbestigasyon at para mapanagot sa insidente.