Itinuturing pang low risk ang healthcare utilization rate ng mga dedicated COVID-19 beds sa bansa.
Ito ang sinabi ni Dr. Beverly Ho, Director IV ng Department of Health (DOH)-Health Promotion Bureau sa virtual media forum, na nasa 35 percent ang utilization rate. Gayunman, tumataas naman aniya ang bilang ng okupadong Intensive care unit o ICU beds para sa pasyente na may COVID-19.
Sa National Capital Region (NCR) kung saan may naitatalang pagtaas ng kaso ng sakit ay nakikita na nasa 49 percent lamang ang utilization rate.
Nasa 65 percent naman o moderate risk ang ICU beds, at 38 percent ang ginagamit na mechanical ventilators.
Nasa 47 percent naman aniya ang utilization rate sa dedicated beds sa Central Visayas at 49 percent ang kama sa ICU.
Ang utilization rate o paggamit naman ng kama sa Davao region ay 33 percent at 52 percent na ang ICU beds.
Samantala, ang Cordillera region ang may pinakamatas na utilization rate na nasa 56 percent sa dedicate beds at 71 percent sa ICU beds.
“We cannot just be complacent about the numbers because the ICU beds are slowly being filled up and it’s always a percentage of the number of cases,” ayon pa kay Dr. Ho.
Aniya, habang tumataas ang total cases at mababa ang nagiging serious, ito pa rin ay nagbibigay ng porsiyento sa mga kaso.

