Health workers, pinakikilos na ng DOH sa mga rehiyon na apektado ni “Bising”

Share this information:

Pinakikilos na ng Department of Health (DOH) ang 32 team ng mga health worker na inihahanda nang i-deploy sa mga rehiyon na apektado ng bagyong Bising.

Ito ay upang imonitor at makita ang sitwasyon sa mga evacuation center.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, nakausap na ng DOH ang mga regional director lalo na sa mga lugar na apektado ng bagyong Bising.

Aniya magsasagawa rin ng preemptive evacuation sa ilang mga lugar at nagpapaalala na rin sa minimum health protocol na dapat ipatupad sa lahat ng evacuation areas.

Batid din naman aniya ng mga regional office ang nasabing usapin.

Lahat din aniya ng LGUs ay inatasan na mag set up ng pasilidad na hiwalay sa mga COVID patients sakaling may magpositibo sa mga evacuation center.

Paalala naman ni Vergeire sa mga residente na maapektuhan ng bagyo na makinig sa mga barangay at LGUs kung  saan dapat sila dadalhin kung kinakailangan talagang lumikas dahil sa banta ng bagyo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.