Hayaan munang matuloy ang panunumpa ni President-elect Marcos, apela ng MPD sa mga militanteng grupo

UMAPELA ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa iba’t-ibang militanteng grupo na nagbabalak magsagawa ng kilos-protesta sa araw ng panunumpa ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Hinimok ni MPD Director Police Brig. Gen. Leo Francisco ang mga magra-rally na makisama na lamang muna at ibigay muna sa bagong halal na pangulo ang araw ng Hunyo 30.

Maaari naman aniyang magsagawa ng rally sa ibang araw at sa katunayan ay bukas ang mga freedom park sa Maynila para sa mga nais na magdaos ng kilos-protesta.

Tiniyak din ni Francisco na nakahanda ang puwersa ng MPD sakaling sabayan pa rin ng mga  rally ang oath taking ng bagong presidente.

Ang MPD ay kayang magdeploy ng hanggang 4,000 na pulis, pero ipapakalat din ang iba pang mga pulis mula sa National capital Region Police Office o Kampo Crame sakaling magkulang pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.