Breaking News

Share this information:

NASA 27 volcanic earthquakes o pagyanig gayundin ang pagbuga ng usok ang naitala at naobserbahan sa paligid ng bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.

Gayunman ayon sa Phivolcs, wala pang banta na magkakaroon ng magmatic eruption ngunit nakataas ang Alert Level 1 na ibig sabihin ay abnormal ang kondisyon ng Mayon Volcano.

Inabisuhan ng Phivolcs ang mga residente sa paligid ng Mayon na iwasang pumasok sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa posibilidad na magkaroon ng mapanganib na rockfalls at landslides at ng biglaang ashfall at phreatic eruptions.

Pinaiiwas din ng Phivolcs ang mga tao sa mga aktibong stream at river channels sa paligid ng bulkan at ang mga itinuturing na lahar-prone areas lalo na kung malakas at matagal ang pag-ulan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: