Halos 100 bahay sa Maynila nilamon ng apoy

NASA halos 100 bahay ang natupok sa sumiklab na sunog sa Sulukan Street, Brgy 458 Zone 45 Sampaloc, Maynila, Huwebes ng umaga.

Ayon kay Fire Sr. Insp. Alejandro Ramos ng BFP-Manila, mabilis na kumalat ang apoy kaya agad itong iniakyat sa ikaapat na alarma.

Humigit -kumulang 300 pamilya ang apektado ng sunog na pansamantalang nanatili sa gilid ng kalsada.

Alas-8:08 ng umaga ng ideklarang fireout ang sunog kung saan naging pahirapan ang pag-apula dahil sa dikit-dikit ang bahay at gawa sa mga light materials.

Isa naman ang isinugod sa ospital matapos masugatan ng tumalon sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Iniimbestigahan naman ng BFP ang umanoy naiwang nakasinding kandila na naging sanhi ng sunog sa lugar na napag alamang pasado alas 5 ng umaga nag simula.

Hindi pa naman matukoy kung magkano ang halaga ng mga ari-arian sa nagpapatuloy pa na imbestigasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.