Guro patay, tatlo sugatan sa bangaan ng mga sasakyan sa Orani, Bataan

Share this information:

PATAY ang isang 31-anyos na guro habang sugatan ang tatlo pang katao sa naganap na banggaan ng tanker truck at kotse sa Roman Highway, Brgy. Doña, Orani, Bataan, noong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat ng Bataan Police Provincial Office (PPO), kinilala ni Bataan PPO Director Police Col. Romell Velasco ang biktimang namatay na si Ailene Dulay, residente ng Pagasa, Mariveles, Bataan habang isinugod din sa Jose Payumo District Hospital ang tatlo pang hindi pinangalanang mga sugatan.

Sa inisyal na ulat, binabagtas ng isang fuel tanker truck (NEO 4887) ang naturang highway nang masakop umano nito ang opposite lane at nabangga nito head-on ang kasalubong na Toyota Vios (AKA 4013) na nagresulta sa naturang road crash. 

Kaagad na rumesponde ang Metro Bataan Development Authority (MBDA) Rescue Team at isinugod sa nabanggit na ospital ang mga biktima subalit idineklarang Dead on Arrival ang nasabing guro. 

Bumuhos naman sa social media ang pagdadalamhati ng mga estudyante, kapwa guro, at mga kaibigan at kaanak ng guro nang malaman nila ang naturang trahedya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.