Breaking News

Share this information:

PATAY ang isang grade 10 student makaraan umanong sumailalim sa matinding hazing sa bayan ng San Enrique, Negros Occidental.

Sa Municipal District Hospital na binawian ng buhay ang 18-anyos na binata dahil sa pagkakaroon ng ‘hematoma’ bunsod ng tinamong mga pinsala sa ulo at ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon kay San Enrique Municipal Police Station Deputy Chief Police Lt. Sammy Gasataya, ilang araw din na nakaratay sa Intensive Care Unit (ICU) ng ospital ang biktima ng isugod ito nitong September 9, 2021 at bawian ng buhay nitong araw ng Sabado, September 11.

Nabatid kay Gasataya, tatlong miyembro ng fraternity ang kanilang nasa kostudiya at patuloy pa ang isinasagawang interogasyon sa mga ito kaugnay ng insidente.

Batay sa kanilang report, naipaalam umano sa kanilang himpilan ang pangyayari dalawang araw matapos mamatay ang biktima at sa follow up operation ay natunton ang tatlong suspek na pawang ka-edad ng biktima.

Narekober ng mga awtoridad ang isang kahoy na “paddle” o pamalo na siyang ginamit sa hazing sa loob ng bahay ng isa sa mga idinadawit.

Napag-alaman pa sa ulat na ni-recruit ng dalawa ang biktima nitong buwan ng Marso ng nakaraang taon at nitong araw mismo ng kaarawan Setymbre 9 isinagawa ang hazing.

Bago nasawi ang biktima ay nasambit pa umano nito sa kanyang magulang kung sino sino ang may kagagawan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: