‘Gamitin sa tama ang GSO’ – Olivarez

IPINANGAKO ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang matalinong paggastos sa General Services Office (GSO) sa mamamayan ng lungsod.

Pinagtibay ng Alkalde ang pangako ng kasalukuyang administrasyon sa agarang paghahatid ng mga serbisyo ng lungsod sa mga nasasakupan nito sa pamamagitan ng GSO.

Sa isang seremonya noong Lunes, hinimok ng alkalde ang GSO na ipagpatuloy ang matalinong paggastos, dahil pinahahalagahan ng pamahalaang lungsod ang mga buwis na galing sa pinaghirapang pera ng mga residente nito.

Ang inilaang badget ng lungsod,ayon sa kanya dapat gastusin nang wasto, at ang pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng GSO, ay dapat magpatuloy sa pagtupad sa pananagutan at transparency sa proseso ng pagkuha.

Pinuri niya ang GSO para sa mahusay at napapanahong paghahatid ng mga serbisyo at para sa pag-iingat sa mga ari-arian ng lungsod sa ilalim ng liderato ni Atty. Arvin Tapia, kasama ang iba pang mga tanggapan ng pamahalaang lungsod, lalo na sa gitna ng mga kamakailang bagyo sa huling bahagi ng Hulyo.

“Napaka-importante po ‘yung timing, importante po ‘yung pangangailangan maibigay po ng ating GSO sa lahat ng opisina, sa lahat ng service department dito sa ating siyudad,” saad ni Olivarez.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.