Fully vaccinated senior citizens sa Maynila, nasa 86.7 percent na

Share this information:

SINABI City of Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na hindi bababa sa 86.7 porsyento ng mga matatanda o senior citizen sa lungsod ang itinuturing na ngayon na ganap nang nabakunahan o “fully vaccinated” matapos matanggap ang dalawang doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.

Sa ginanap na Pinaslakas vaccination event sa SM Manila ngayong araw, muling iginiit ni Lacuna-Pangan ang kanyang paninindigan na ang pagbabakuna ang solusyon sa COVID-19 pandemic.

Tiniyak din niya na ang lungsod ay nananatiling nakatuon sa pakikipagtulungan sa pambansang pamahalaan upang mabakunahan ang pinakamaraming mamamayan laban sa kinatatakutang COVID-19.

Sa ngayon ay nasa 86.7 porsyento na bumubuo sa kabuuang 138,332 ng matatanda sa lungsod, mula sa target na bilang na humigit-kumulang 160,000, ang nakakumpleto na ng kanilang pangalawang doses ng COVID-19 vaccine.

Makikita sa datos ng Manila Health Department na noong Agosto 16, ang pamahalaang lungsod ay nakapagbigay na ng kabuuang 3,505,030 na doses ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa bilang, hindi bababa sa 1,818,763 ang nakatanggap ng kanilang unang doses habang nasa 1,732,237 naman ang nakakuha na ng kanilang buong doses, na kinabibilangan ng single-dose na bakunang Janssen.

Ang lungsod ay nagbigay din ng 627,857 doses ng unang booster shot at 66,864 second booster doses.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.