Foreign online scamming syndicate, nalansag ng NBI

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang walong Chinese nationals sa ilalim ng superbisyon ni NBI Director Jaime Santiago dahil sa “Online Phishing Operations” sa Parañaque City.

Nag-ugat ang naturang kaso sa intelligence report na may grupo ng foreign nationals ang nagsasagawa ng investment fraud, crypto asset/currency scam, romance scam, at identity theft gamit ang social engineering scheme at digital communication schemes.

Nagsagawa ang NBI agents kasama ang impormante ng surveillance sa lugar kung saan natukoy at nakumpirma ang mga ilegal na aktibidad.

Nag-isyu ang Parañaque City Regional Trial Court ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) laban kay Hwang Xiaobin at iba pa nitong Enero 14.

Ipinatupad naman ang WSSECD ng NCR operatives kasama ang kinatawan mula sa Digital Forensic Laboratory (DFL) natagpuan ang laptop an desktop kung saan may transcript template ng Phishing o social engineering schemers na ginagamit sa pagkuha ng sensitibong impormasyon ng ibang tao, at mga transaksyon sa pera ng crypto currency scams sa ginawang onsite examination.

Kasong paglabag sa RA 10175 Computer Related Forgery under Sec. 4(b)(1) of the Cybercrime Prevention Act and RA 12010, o mas kilala sa tawag na “The Anti Financial Account Scamming Act (AFASA)” ang isinampa laban kina Hwang Xiaobin (at large); Xiao Li; Channel Zi Gao; Ming Ru Li; Wen Shu Liu; Qui Shun Li; Cai Li Pan; Changfu Liu; at Zhang Zhen Hong sa Parañaque City Prosecutors’ Office.

Siniguro naman ni Santiago sa publiko na ang NBI ay patuloy sa maigting nitong kampanya kontra illegal scamming operations.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.