Foreign cargo vessel na may mahigit 30 tripulanteng Pinoy, lumubog sa Japan sea

Share this information:

Lumubog sa karagatang sakop ng Japan ang isang international cargo vessel na may mahigit 30 tripulanteng Pinoy sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyo nitong Miyerkules ng gabi (September 2, 2020).

Batay sa naging pahayag ng isang 45 taong gulang na Pinoy crew ng barko na nailigtas ng Japan Coast Guard, bukod sa kanyang mga kasamahan ay may 6,000 baka ang lulan ng kanilang barko bago tuluyang lumubog sa dagat.

Nabatid na nakapag transmit pa ng distress call ang The Gulf Livestock 1 sa Japan Coast Guard bago pa ang pagsapit ng gabi ng Miyerkules mula sa kanilang posisyon na nasa 185 kilometers (115 miles) west ng Amami Oshima Island.

Natagpuan ng JCG ang isang pinoy crew member na sinasabing chief officer ng lumubog na barko habang ito ay palutang lutang sa dagat.

Sinabi ng survivor sa JCG, nagka aberya umano ang isa sa makina ng kanilang barko at habang nakatigil sila sa gitna ng karagatan ay dito na sila naabutan ng bagyo at hampasin ng malalakas na alon dahilan para tumaob at tuluyang lumubog ang sasakyang pandagat.

Napag alaman na may 39 bilang ng tripulanteng pinoy, dalawang new Zealanders at dalawang Australian nationals ang crew ng The Gulf Livestock 1 at karga ang nasa 6,000 baka.

Wala namang detalye ang JCG kung kailan at saang eksaktong lugar lumubog ang barko kaya naman hindi na rin umano nakita ng nag iisang survivor ang kanyang mga kasamahan habang nag aantay siya ng rescue.

Tatlong coast guard rescue vessels, 5 eroplano at ilang mga divers ang nagtulong tulong para sa search and rescue operations na patuloy na isinasagawa upang hanapin ang nawawalang mga crew.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.