Fetus, natagpuan sa isang ilog sa Navotas

ISANG patay na lalaking fetus ang natagpuan ng isang mangingisda na palutang-lutang sa ilog na sakop ng Navotas City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl. Billy Godfrey Aparicio, pabalik na galing sa pangingisda ang mangingisdang si Marlon Fernandez, 20 anyos, ng Road 10 Pescador St., Brgy. Bangkulasi sakay ng kanyang bangka.

Nang pagdaong niya sa C4 Bridge malapit sa Brgy. Bangkulasi Pumping Station dakong ala-1:25 ng hapon nang makita niya at kinuha ang isang itim na plastic bag.

Nang buksan ni Fernandez ang plastic bag ay laking gulat nito nang makita sa loob ang isang patay na fetus na naging dahilan upang humingi siya ng tulong sa Navotas Police Sub-Station 3.

Kumuha ang mga rumespondeng Forensics Unit/Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ng Buccal Swab para sa DNA analysis habang dinala naman ang fetus sa facility ng Nate Funeral Homes.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para sa posibleng pagkakilanlan ng nagtapon ng fetus sa ilog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.