INAPRUBAHAN ng House of Representatives ang resolusyon na naghihimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na mapayagang maipatupad ang face-to-face classes sa Batanes, na ikinukonsiderang low-risk province o walang kaso ng COVID-19 infection.
Sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara, inadopt nito ang House Bill 1255 na humihiling kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at Department of Education (DepEd), na payagan ang physical classes sa Batanes.
Ipinunto sa resolusyon na habang ipinatutupad ng gobyerno ang distance learning kasama na ang online classes sa gitna ng COVID-19 pandemic, isa ang Batanes sa mga lugar sa bansa na pahirapan ang signal ng internet kaya’t hindi kinakaya ang online learning duon.
Naniniwala ang Kamara na dahil very low-risk area ang Batanes at maliit na porsyento lamang ang ratio ng guro sa estudyante o nasa 1:11 ay pupuwede ang face to face classes.
“Hence, conducting face-to-face classes in the province is realistic and practical inasmuch as the low number of students per class shall allow social distance to be observed,” ayon sa resolusyon.
Nasasaad din sa resolusyon na suportado ng mga lokal na opisyal at provincial IATF gayundin ng mga guro at magulang ang face-to-face classes sa Batanes.
Now, therefore, be it resolved, as it is hereby resolved by the House of Representatives, to urge President Rodrigo Duterte, through the IATF and DepEd, to allow the conduct of ‘face-to-face’ classes in the Province of Batanes which is a low-risk and COVID-free province,” hirit sa resolusyon.