Ex-vice mayor, patay sa pamamaril sa Negros

Share this information:

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay sa labas ng kanyang bahay ang dating bise alkalde sa bayan ng Pamplona, Negros Occidental.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, palabas na sana ng kanyang kotse ang biktimang si Kent Divinagracia, 45-anyos, nang lapitan ng mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo at puntiryahin siya mula sa bintana ng sasakyan.

Tatlong tama ng bala ng baril ang tinamo ng biktima, isa rito ay tumama sa kanyang ulo.

Agad na isinugod sa Siliman University Medical Center ang biktima ngunit hindi na rin umabot ng buhay.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang motibo at nasa likod ng krimen. Bukod sa nagsilbing bise alkalde ay naging konsehal din ng Pamplona si Divinagracia at may balak din umanong muling kumandidato sa halalan sa taong 2022.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.