Enrile umiinom ng “Ivermectin”

Share this information:

INAMIN ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na gumamit at umiinom ito ng Ivermectin kaya siya nanatiling malakas at buhay dahil hindi tinatamaan ng COVID-19.

Sa media forum ng Balitaan sa Maynila, sinabi ng senador na pinag-aralan din nito ang literature ng Ivermectin kung saan ito aniya ay ginagamit sa karamihang bansa gaya ng US,South Africa, latin countries at Europa.

Aniya, hindi niya batid dito sa Pilipinas kung bakit allergic na subukan ang naturang gamot upang makahanap ng alnetrnatibong remedy na mas mura pa.

Sinabi ng senador na ang halaga lamang na magagasta kada taon sa Ivermectin ay P400 kumpara sa P23,000 per injection na aniya ay hindi kakayanin ng mga ordinaryong mamamayan o manggagawa upang maka-survive sa virus.

Paliwanag pa nito, na malaki ang masisinop ng gobyerno at nang mga tao kung mapapatunayan at makakatulong ang Ivermectin bilang alternatibong gamot o proteksyon sa COVID-19

Aniya, bakit hindi subukan kaya nga aniya mayroon tayong DOST na magsaghawa ng research at mga laboratories.

“Why don’t you experiment, that is why we have Department of Science and Technology to do the research”, anang senador.

“40 years ago the discoverer was awarded a novel prize …eh hindi naman diniskubre yan para sa kalabaw, sa elepante, kabayo, tigre, leon o sa daga…diniskubre yan para sa tao to cure “river blindness”

“You can take it, I have taken it, nothing happened to me.. I am still alive”, pahayag pa ng senador.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.