Patay ang isang election officer at ang kanyang asawa matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang kanilang sasakyan sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, ngayong umaga, Miyerkules, Marso 26, 2025.
Kinilala ang biktima bilang Maceda Abo, election officer ng Datu Odin Sinsuat, at ang kanyang asawa na si Jojo Abo. Ayon sa ulat, patungo sana sila sa opisina sa Dalican sakay ng isang SUV nang pagbabarilin ng mga hindi pa natutukoy na salarin sa Barangay Makir.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga nasa likod ng pananambang at ang posibleng motibo sa krimen.
Hinihikayat ng pulisya ang publiko na magbigay ng anumang impormasyon na makakatulong sa paglutas ng kaso.

