Egyptian bomb maker, 2 kasamahan patay sa sagupaan sa Sulu

PATAY ang isang Egyptian bomb maker at kanyang dalawang kasamahan na mga miyembro ng teroristang Abu Sayyaf sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng militar sa Sulu kamakalawa.

Natukoy ng mga awtoridad ang napaslang na foreigner terrorist na si Abubakar Yusop, na sinasabing anak ng babaeng suicide bomber na nanguna sa pagpapasabog sa isang military detachment sa bayan ng Indanan noong Setyembre 2019.

Nakilala din ang dalawa pang mga Abu Sayyaf member na sina Abu Khattab Jundullah at Saddam Akram.

Ayon kay Lt. General Corleto Vinluan Jr., hepe ng Western Mindanao Command (Wesmincom), nakasagupa ng tropa mula sa 4th Light Reaction Company-Philippine Army ang nasa sampung armadong terorista sa bulubunduking bahagi ng Barangay Ipasan sa Patikul ganap na alas 10 ng gabi ng Biyernes.

Matapos ang kalahating oras ng bakbakan ay nagsitakas ang mga terorista habang naiwan sa encounter site ang kanilang tatlong kasamahan na napaslang kung saan dinala naman ang kanilang mga labi sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista sa Jolo. Narekober din ng militar sa lugar ang tatlong matataas na armas, ibat ibang amunisyon at mga personal na kagamitan ng mga nasawi.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.