Breaking News

Share this information:

PINALAWAK pa ng Food and Drug Administration (FDA) ang pupuwedeng mabakunahan gamit ang bakuna kontra COVID-19 ng kumpanyang Pfizer-BioNTech matapos na payagan ang pagtuturok nito sa edad 12-anyos pataas.

Ito ay makaraang aprubahan ng FDA ang pag-amyenda sa emergency use authorization (EUA) ng Pfizer para maipagamit na rin ang bakuna sa mga menor de edad.

Ang Pfizer ang kauna-unahang napayagang maiturok sa batang populasyon ang bakuna.

Hindi muna prayoridad ang mga bata – DOH

DAHIL limitado pa ang suplay sa ngayon ng COVID-19 vaccines, susundin pa rin ng Department of Health ang mga prayoridad na sektor sa vaccination program ng pamahalaan.

Sinabi iyan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod ng inaprubahan ng Food and Drug Administration na pag-amyenda sa Emergency Use Authorization ng Pfizer BioNTech upang maisama na rin sa puwedeng bakunahan ang edad dose pataas.

“While we welcome more vaccines that are approved for children and adolescents, due to limited vaccine supply, our vaccination strategy remains the same — prioritize the vulnerable and adhere to our prioritization framework,” ayon kay Vergeire.

Ayon kay Vergeire, welcome sa kanila ang pagpapahintulot nang bakunahan ang mga menor de edad ngunit maaaring maikonsidera na ang pedriatic at adolescent vaccination sa sandaling maging matatag na ang suplay ng COVID-19 vaccines.

“The general consensus of our vaccine experts is to revisit pediatric and adolescent vaccination once our vaccine supply has stabilized,” dagdag nito.

Ginagawa naman aniya ng Vaccine Cluster ang lahat upang makakuha pa ng mga bakuna na ibibigay ng libre sa mga kuwalipikadong sektor.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: