Duque, nabakunahan na laban sa COVID-19 gamit ang CoronaVac

Nabakunahan na kontra COVID-19 si  Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque matapos itong maturukan ng unang dose ng CoronaVac vaccine na gawa ng Sinovac sa vaccination na ginawa sa Maynila.

Tulad ng mga nabakunahan na, dumaan din ang kalihim sa proseso gaya ng screening bago ito naturukan ng unang dose.

 “As I receive my dose of the COVID-19 vaccine today, I invite everyone to do the same, and choose to be protected,” lahad ni Duque.

“Let us all take part in protecting public health, and let us be in unison in spreading one message: that vaccines are safe, and vaccines are effective.” dagdag pa nito.

Muli rin nitong hinikayat ang publiko na magpabakuna dahil ligtas ang bakuna  at walang dapat na ikabahala.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.