Breaking News

Share this information:

NAKATAKDANG idulog ngayong hapon ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III sa pulong ng IATF  ang bagong panuntunan na nag-aalis ng facility quarantine sa mga manlalakbay na papasok ng bansa.

Ito ay kasabay ng pag-amin ng kalihim na hindi siya nakonsulta at wala siya sa pulong ng IATF nang ilabas ang desisyon sa pag-aalis ng mandatory facility quarantine sa mga manlalakbay na papasok ng bansa na kumpleto na ang bakuna at mula sa tinaguriang “green countries.”

Paliwanag ni Duque na totoong ginagawa ito sa ilang bansa pero kaya nila ito dahil sa nasa 70 percent na ang nabakunahan hindi tulad sa Pilipinas na 30 percent pa lamang.

Dahil sa bagong panuntunan, nababahala ngayon si Duque sa magiging epekto ng mga manlalakbay sa mga paliparan na nasa mga lugar na mababa pa ang antas ng pagbabakuna at hindi sa NAIA na nasa Metro Manila na marami na ang may bakuna laban sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: